Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

HEBREO 2:5-13

HEBREO 2:5-13 ABTAG01

Sapagkat hindi ipinasakop ng Diyos sa mga anghel ang sanlibutang darating, na siya naming sinasabi, Ngunit may nagpatunay sa isang dako, na sinasabi, “Ano ang tao upang siya'y iyong alalahanin? O ang anak ng tao upang siya'y iyong pagmalasakitan? Siya'y ginawa mong mababa kaysa mga anghel nang sandaling panahon; siya'y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan, at siya'y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay. Ipinasakop mo ang lahat ng bagay sa ilalim ng kanyang mga paa.” Nang masakop niya ang bawat bagay, wala siyang iniwan na hindi niya nasasakop. Ngunit ngayon ay hindi pa natin nakikitang nasasakop niya ang lahat ng mga bagay, kundi nakikita natin si Jesus, na sa sandaling panahon ay ginawang mababa kaysa mga anghel, na dahil sa pagdurusa ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay maranasan niya ang kamatayan alang-alang sa lahat. Sapagkat nararapat na ang Diyos, na para sa kanya at sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak tungo sa kaluwalhatian, ay gawing sakdal ang tagapagtatag ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng mga pagdurusa. Sapagkat ang gumagawang banal at ang mga ginawang banal ay pawang nagmula sa isa. Dahil dito'y hindi nahihiya si Jesus na tawagin silang mga kapatid, na sinasabi, “Ipahahayag ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid, sa gitna ng kapulungan ay aawitan kita ng mga himno.” At muli, “Ilalagak ko ang aking pagtitiwala sa kanya.” At muli, “Narito ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Diyos.”

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya