Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

HEBREO 1:10-13

HEBREO 1:10-13 ABTAG01

At, “Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang saligan ng lupa, at ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay; sila'y mapaparam, subalit ikaw ay nananatili, at silang lahat ay malulumang gaya ng kasuotan; gaya ng isang balabal sila'y iyong ilululon, at gaya ng damit, sila ay mapapalitan. Ngunit ikaw ay ikaw pa rin, at ang iyong mga taon ay hindi magwawakas.” Ngunit kanino sa mga anghel sinabi niya kailanman, “Maupo ka sa aking kanan, hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tuntungan ng iyong mga paa?”