Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

HABAKUK 3:13-19

HABAKUK 3:13-19 ABTAG01

Ikaw ay lumabas upang iligtas ang iyong bayan, at iligtas ang iyong pinahiran ng langis. Iyong dinurog ang puno ng masamang sambahayan, hinubaran mo siya mula hita hanggang sa leeg. Selah Iyong tinusok ang ulo ng kanyang mga mandirigma ng kanyang sariling sibat; na dumating na parang ipu-ipo upang pangalatin ako; ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha. Iyong tinapakan ang dagat ng iyong mga kabayo, ang bunton ng makapangyarihang tubig. PANGINOON Aking narinig, at ang aking katawan ay nanginginig, ang aking mga labi ay nangangatal sa tinig; ang kabuluka'y pumapasok sa aking mga buto, ang aking mga hakbang ay nanginginig. Ako'y tahimik na maghihintay sa araw ng kapahamakan, na dumating sa bayan na sumasakop sa atin. Bagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak, ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas; ang olibo ay hindi magbubunga, at ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain; ang kawan ay aalisin sa kulungan, at hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan, gayunma'y magagalak ako sa PANGINOON, ako'y magagalak sa Diyos ng aking kaligtasan. Ang Diyos, ang PANGINOON, ay aking kalakasan; ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa, pinalalakad niya ako sa aking matataas na dako. Sa Punong Manunugtog: na may panugtog na may kuwerdas.