Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

HABAKUK 1:5-12

HABAKUK 1:5-12 ABTAG01

Magmasid kayo sa mga bansa, at tumingin kayo; mamangha at magtaka. Sapagkat ako'y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga araw na hindi ninyo paniniwalaan kapag sinabi sa inyo. Sapagkat narito, aking ginigising ang mga Caldeo, ang malupit at marahas na bansa, na lumalakad sa kaluwangan ng lupa, upang sakupin ang mga tahanang hindi kanila. Sila'y kakilakilabot at nakakatakot; ang kanilang katarungan at karangalan ay mula sa kanilang sarili. Ang kanilang mga kabayo ay matutulin kaysa mga leopardo, higit na mababangis kaysa panggabing asong-gubat at ang kanilang mga mangangabayo ay mabibilis. Ang kanilang mga mangangabayo ay galing sa malayo; sila'y lumilipad na parang agila na nagmamadali upang manakmal. Silang lahat ay dumarating para sa karahasan; na may mukhang pasulong. Kanilang tinitipon ang mga bihag na parang buhangin. Kanilang tinutuya ang mga hari, at ang mga pinuno ay kanilang pinagtatawanan. Kanilang kinukutya ang bawat tanggulan; sapagkat kanilang binubuntunan ang lupa at sinasakop ito. Pagkatapos ay lalampas sila na parang hangin at magpapatuloy, mga taong nagkasala, na ang sarili nilang kapangyarihan ay ang kanilang diyos! Di ba ikaw ay mula sa walang hanggan, O PANGINOON kong Diyos, aking Banal? Kami ay hindi mamamatay. O PANGINOON, iyong itinakda sila sa paghuhukom; at ikaw, O Malaking Bato, ang nagtatag sa kanila upang magtuwid.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa HABAKUK 1:5-12