Ang pahayag ng Diyos na nakita ni propeta Habakuk. O PANGINOON, hanggang kailan ako hihingi ng tulong, at hindi mo papakinggan? O dadaing sa iyo ng “Karahasan!” at hindi ka magliligtas? Bakit mo hinahayaang makita ko ang kamalian, at tingnan ang kasamaan? Ang kasiraan at karahasan ay nasa harapan ko; paglalaban at pagtatalo ay lumilitaw. Kaya't ang batas ay hindi pinapansin, at ang katarungan ay hindi kailanman nangingibabaw. Sapagkat pinaliligiran ng masama ang matuwid; kaya't ang katarungan ay nababaluktot. PANGINOON Magmasid kayo sa mga bansa, at tumingin kayo; mamangha at magtaka. Sapagkat ako'y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga araw na hindi ninyo paniniwalaan kapag sinabi sa inyo. Sapagkat narito, aking ginigising ang mga Caldeo, ang malupit at marahas na bansa, na lumalakad sa kaluwangan ng lupa, upang sakupin ang mga tahanang hindi kanila. Sila'y kakilakilabot at nakakatakot; ang kanilang katarungan at karangalan ay mula sa kanilang sarili. Ang kanilang mga kabayo ay matutulin kaysa mga leopardo, higit na mababangis kaysa panggabing asong-gubat at ang kanilang mga mangangabayo ay mabibilis. Ang kanilang mga mangangabayo ay galing sa malayo; sila'y lumilipad na parang agila na nagmamadali upang manakmal. Silang lahat ay dumarating para sa karahasan; na may mukhang pasulong. Kanilang tinitipon ang mga bihag na parang buhangin.
Basahin HABAKUK 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: HABAKUK 1:1-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas