Nakita ng PANGINOON na napakasama na ng tao sa lupa, at ang bawat haka ng mga pag-iisip ng kanyang puso ay palagi na lamang masama. Nalungkot ang PANGINOON na kanyang nilalang ang tao sa lupa at nalumbay ang kanyang puso. Kaya't sinabi ng PANGINOON, “Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa—ang tao, hayop, ang mga gumagapang, at ang mga ibon sa himpapawid, sapagkat ako'y nalulungkot na nilalang ko sila.” Subalit si Noe ay nakatagpo ng biyaya sa paningin ng PANGINOON.
Basahin GENESIS 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: GENESIS 6:5-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas