Nagkaroon ng taggutom sa lupain, bukod sa unang taggutom na nangyari nang mga araw ni Abraham. Pumunta si Isaac kay Abimelec, na hari ng mga Filisteo sa Gerar. At nagpakita ang PANGINOON kay Isaac at sinabi, “Huwag kang bumaba sa Ehipto; manatili ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo. Manatili ka sa lupaing ito, at sasamahan kita, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagkat sa iyo at sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, at tutuparin ko ang aking ipinangako kay Abraham na iyong ama. Pararamihin ko ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito at pagpapalain ang lahat ng bansa sa lupa sa pamamagitan ng iyong binhi, sapagkat pinakinggan ni Abraham ang aking tinig at sinunod ang aking tagubilin, ang aking mga utos, ang aking mga batas at ang aking mga kautusan.”
Basahin GENESIS 26
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: GENESIS 26:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas