Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

GENESIS 2:8-15

GENESIS 2:8-15 ABTAG01

Naglagay ang PANGINOONG Diyos ng isang halamanan sa silangan ng Eden, at inilagay niya roon ang taong kanyang nilalang. At pinatubo ng PANGINOONG Diyos sa lupa ang lahat ng punungkahoy na nakakalugod sa paningin, at mabuting kainin; gayundin ang punungkahoy ng buhay sa gitna ng halamanan, at ang punungkahoy ng pagkaalam ng mabuti at masama. May isang ilog na lumabas mula sa Eden upang diligin ang halamanan, at mula roo'y nahati at naging apat na ilog. Ang pangalan ng una ay Pishon na siyang umaagos sa palibot ng buong lupain ng Havila, na doo'y may ginto; at ang ginto sa lupang iyon ay mabuti; mayroon doong bedelio at batong onix. Ang pangalan ng ikalawang ilog ay Gihon; na siyang umaagos sa palibot ng buong lupain ng Cus. Ang pangalan ng ikatlong ilog ay Tigris na siyang umaagos sa silangan ng Asiria. At ang ikaapat na ilog ay ang Eufrates. Kinuha ng PANGINOONG Diyos ang lalaki at inilagay sa halamanan ng Eden upang ito ay kanyang bungkalin at ingatan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa GENESIS 2:8-15