Nang sa lupa ay wala pang tanim sa parang, at wala pang damo na tumutubo sa parang,—sapagkat hindi pa nagpapaulan ang PANGINOONG Diyos sa lupa at wala pang taong nagbubungkal ng lupa, ngunit may isang ulap na pumaitaas buhat sa lupa at dinilig ang buong kapatagan ng lupa. At nilalang ng PANGINOONG Diyos ang tao mula sa alabok ng lupa, at hiningahan ang mga butas ng kanyang ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging buháy na kaluluwa. Naglagay ang PANGINOONG Diyos ng isang halamanan sa silangan ng Eden, at inilagay niya roon ang taong kanyang nilalang. At pinatubo ng PANGINOONG Diyos sa lupa ang lahat ng punungkahoy na nakakalugod sa paningin, at mabuting kainin; gayundin ang punungkahoy ng buhay sa gitna ng halamanan, at ang punungkahoy ng pagkaalam ng mabuti at masama.
Basahin GENESIS 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: GENESIS 2:5-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas