Kaya't umalis si Abram ayon sa sinabi sa kanya ng PANGINOON, at si Lot ay sumama sa kanya. Si Abram ay may pitumpu't limang taong gulang nang umalis siya sa Haran. Isinama ni Abram si Sarai na kanyang asawa, at si Lot na anak ng kanyang kapatid, at ang lahat ng pag-aaring kanilang natipon at ang mga taong kanilang nakuha sa Haran; at umalis sila upang pumunta sa lupain ng Canaan at nakarating sila roon. Dumaan sa lupain si Abram hanggang sa lugar ng Shekem, sa punong ensina ng More. Noon, ang mga Cananeo ay nasa lupaing iyon. Nagpakita ang PANGINOON kay Abram, at sinabi, “Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong lahi.” At siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa PANGINOON na nagpakita sa kanya. Mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silangan ng Bethel, at doon niya itinayo ang kanyang tolda, na nasa kanluran ang Bethel, at nasa silangan ang Ai. Siya'y nagtayo roon ng dambana sa PANGINOON, at tinawag ang pangalan ng PANGINOON. Si Abram ay patuloy na naglakbay hanggang sa Negeb.
Basahin GENESIS 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: GENESIS 12:4-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas