Noon, ang buong lupa ay iisa ang wika at magkakatulad ang salita. Sa kanilang paglalakbay sa silangan, nakatagpo sila ng isang kapatagan sa lupain ng Shinar, at sila'y tumira doon. At sinabi nila sa isa't isa, “Halikayo! Tayo'y gumawa ng mga tisa at ating lutuing mabuti.” At ang kanilang bato ay tisa at alkitran ang kanilang semento. Sinabi nila, “Halikayo! Magtayo tayo ng isang lunsod at isang tore na ang taluktok nito ay hanggang sa langit, at gumawa tayo ng pangalan para sa ating mga sarili, baka tayo magkawatak-watak sa ibabaw ng buong lupa.” Bumaba ang PANGINOON upang tingnan ang lunsod at ang tore na itinayo ng mga anak ng mga tao. At sinabi ng PANGINOON, “Tingnan ninyo, sila'y iisang bayan at may isang wika; at ito ay pasimula pa lamang ng kanilang gagawin, at ngayon, walang makakapigil sa anumang kanilang binabalak gawin. Halikayo! Tayo'y bumaba at ating guluhin ang kanilang wika, upang hindi nila maunawaan ang pananalita ng bawat isa.” Kaya't ikinalat sila ng PANGINOON mula roon sa ibabaw ng buong lupa, at huminto sila sa pagtatayo ng lunsod. Kaya't ang ipinangalan dito ay Babel, sapagkat doon ay ginulo ng PANGINOON ang wika ng buong lupa, at mula roon ay ikinalat sila ng PANGINOON sa ibabaw ng buong lupa.
Basahin GENESIS 11
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: GENESIS 11:1-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas