Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

GALACIA 1:11-24

GALACIA 1:11-24 ABTAG01

Sapagkat nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang ebanghelyo na aking ipinangaral ay hindi ayon sa tao. Sapagkat hindi ko ito tinanggap mula sa tao, o itinuro man sa akin, kundi sa pamamagitan ng pahayag ni Jesu-Cristo. Sapagkat inyong narinig ang uri ng aking dating pamumuhay sa Judaismo, kung paanong marahas kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na wasakin ito. At ako'y nanguna sa Judaismo nang higit kaysa marami sa mga kasing-gulang ko sa aking mga kababayan, higit na masigasig ako sa mga tradisyon ng aking mga ninuno. Ngunit nang malugod ang Diyos na sa akin ay nagbukod, buhat pa sa sinapupunan ng aking ina, at sa akin ay tumawag sa pamamagitan ng kanyang biyaya, na ipahayag ang kanyang Anak sa akin, upang siya'y aking ipangaral sa mga Hentil; hindi ako sumangguni sa sinumang laman at dugo; o nagtungo man ako sa Jerusalem sa mga apostol na una sa akin, kundi nagtungo ako sa Arabia at muli akong nagbalik sa Damasco. Nang makaraan ang tatlong taon, nagtungo ako sa Jerusalem upang dalawin si Cefas, at namalaging kasama niya ng labinlimang araw. Ngunit wala akong nakita sa mga ibang apostol, maliban kay Santiago na kapatid ng Panginoon. Tungkol sa mga bagay na isinusulat ko sa inyo, sa harapan ng Diyos, hindi ako nagsisinungaling. Pagkatapos ay nagtungo ako sa mga lupain ng Siria at Cilicia. Ngunit hindi pa ako mukhaang nakikilala sa mga iglesya ng Judea na kay Cristo. Narinig lamang nila na sinasabi, “Siya na dating umuusig sa atin ngayo'y ipinangangaral niya ang pananampalataya na dati'y sinikap niyang wasakin.” At kanilang niluwalhati ang Diyos dahil sa akin.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa GALACIA 1:11-24

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya