Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EZRA 7:6-10

EZRA 7:6-10 ABTAG01

ang Ezrang ito ay umahon mula sa Babilonia. Siya'y isang eskribang dalubhasa sa kautusan ni Moises na ibinigay ng PANGINOONG Diyos ng Israel. Ipinagkaloob sa kanya ng hari ang lahat niyang hiniling, sapagkat ang PANGINOON niyang Diyos ay kasama niya. At umahon din patungo sa Jerusalem sa ikapitong taon ni Artaxerxes na hari, ang ilan sa mga anak ni Israel, at ilan sa mga pari at mga Levita, ang mga mang-aawit at mga tanod sa pinto, at ang mga lingkod sa templo. Siya'y dumating sa Jerusalem nang ikalimang buwan, sa ikapitong taon ng hari. Sa unang araw ng unang buwan ay nagsimula siyang umahon mula sa Babilonia, at sa unang araw ng ikalimang buwan ay dumating siya sa Jerusalem, sapagkat ang mabuting kamay ng kanyang Diyos ay nasa kanya. Inilagak ni Ezra ang kanyang puso upang saliksikin ang kautusan ng PANGINOON, upang sundin ito at ituro sa Israel ang kanyang mga batas at mga tuntunin.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya