EZRA 3
3
Muling Pinasimulan ang Pagsamba
1Nang sumapit ang ikapitong buwan, at ang mga anak ni Israel ay nasa mga bayan, ang taong-bayan ay nagtipun-tipon na parang isang tao sa Jerusalem.
2Nang#Exo. 27:1 magkagayo'y tumayo si Jeshua na anak ni Jozadak, at ang kanyang mga kapatid na mga pari, at si Zerubabel na anak ni Shealtiel at ang kanyang mga kamag-anak, at itinayo nila ang dambana ng Diyos ng Israel upang pag-alayan ng mga handog na sinusunog, gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, na tao ng Diyos.
3Inilagay#Bil. 28:1-8 nila ang dambana sa lugar nito, sapagkat sila ay natatakot sa mga tao ng mga lupain, at sila'y nag-alay sa ibabaw nito ng mga handog na sinusunog sa Panginoon, mga handog na sinusunog sa umaga at hapon.
4Kanilang#Bil. 29:12-38 ipinagdiwang ang kapistahan ng mga kubol,#3:4 o tabernakulo. gaya ng nasusulat, at nag-alay ng pang-araw-araw na mga handog na sinusunog sa tamang bilang, ayon sa itinakda sa bawat araw,
5pagkatapos#Bil. 28:11–29:39 niyon ay ang patuloy na handog na sinusunog, at mga handog sa mga bagong buwan at sa lahat ng takdang kapistahan sa Panginoon, at ang handog ng bawat isa na gumawa ng kusang-loob na handog sa Panginoon.
6Mula sa unang araw ng ikapitong buwan, sila ay nagsimulang mag-alay ng mga handog na sinusunog sa Panginoon. Ngunit ang pundasyon ng templo ng Panginoon ay hindi pa nailalagay.
Pinasimulan ang Muling Pagtatayo ng Templo
7Kaya't sila'y nagbigay ng salapi sa mga kantero at sa mga karpintero; at ng pagkain, inumin, at langis sa mga taga-Sidon at sa mga taga-Tiro upang magdala ng mga kahoy na sedro mula sa Lebanon patungo sa dagat, hanggang sa Joppa, ayon sa pahintulot na tinanggap nila buhat kay Ciro na hari ng Persia.
8Nang ikalawang taon ng kanilang pagdating sa bahay ng Diyos sa Jerusalem, sa ikalawang buwan, sina Zerubabel na anak ni Shealtiel at si Jeshua na anak ni Jozadak ay nagpasimulang maglingkod, kasama ang iba pa nilang mga kapatid, ang mga pari at mga Levita at silang lahat na dumating sa Jerusalem mula sa pagkabihag. Kanilang hinirang ang mga Levita, mula sa dalawampung taong gulang pataas, upang mamahala sa gawain sa bahay ng Panginoon.
9Si Jeshua at ang kanyang mga anak at mga kamag-anak, si Cadmiel pati ang kanyang mga anak na lalaki, at ang mga anak ni Juda, ay magkasamang namahala sa mga manggagawa sa bahay ng Diyos, kasama ng mga anak ni Henadad at ng mga Levita, at ng kanilang mga anak at mga kamag-anak.
10Nang#1 Cro. 25:1 ilagay ng mga manggagawa ang pundasyon ng templo ng Panginoon, ang mga pari sa kanilang kasuotan ay lumapit na may mga trumpeta, at ang mga Levita, ang mga anak ni Asaf na may mga pompiyang, upang magpuri sa Panginoon, ayon sa mga tagubilin ni David na hari ng Israel.
11At#1 Cro. 16:34; 2 Cro. 5:13; 7:3; Awit 100:5; 106:1; 118:1; 136:1; Jer. 33:11 sila'y nag-awitan sa isa't isa na pinupuri at pinapasalamatan ang Panginoon, “Sapagkat siya'y mabuti, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman sa Israel.” Ang buong bayan ay sumigaw nang malakas nang kanilang purihin ang Panginoon, sapagkat ang pundasyon ng bahay ng Panginoon ay nailagay na.
12Ngunit marami sa mga pari at mga Levita, at sa mga puno ng mga sambahayan, na mga matatandang nakakita sa unang bahay nang ito ay itayo, ang umiyak nang malakas nang kanilang nakita ang bahay, bagaman marami ang sumigaw nang malakas dahil sa kagalakan.
13Dahil dito, hindi makilala ng taong-bayan ang kaibahan ng ingay ng sigaw ng kagalakan sa ingay ng iyak ng bayan, sapagkat ang taong-bayan ay sumigaw nang malakas, at ang ingay ay narinig sa malayo.
Kasalukuyang Napili:
EZRA 3: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001