EZEKIEL 35
35
Ang Parusa ng Diyos sa Edom
1Bukod#Isa. 34:5-17; 63:1-6; Jer. 49:7-22; Ez. 25:12-14; Amos 1:11, 12; Oba. 1-14; Mal. 1:2-5 dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
2“Anak ng tao, humarap ka sa bundok ng Seir, at magsalita ka ng propesiya laban doon.
3Sabihin mo roon, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Ako'y laban sa iyo, O bundok ng Seir, at aking iuunat ang aking kamay laban sa iyo, at gagawin kitang sira at wasak.
4Aking gigibain ang iyong mga bayan, at ikaw ay magiging wasak; at iyong malalaman na ako ang Panginoon.
5Sapagkat ikaw ay nag-iingat ng isang matagal nang pakikipag-away, at ibinigay mo ang mga anak ni Israel sa kapangyarihan ng tabak sa kapanahunan ng kanilang kapahamakan, sa kapanahunan ng kanilang huling kaparusahan.
6Kaya't kung paanong ako'y nabubuhay, sabi ng Panginoong Diyos, aking ihahanda ka sa dugo, at hahabulin ka ng dugo. Sapagkat ikaw ay nagkasala sa dugo, kaya't hahabulin ka ng dugo.
7Ang bundok ng Seir ay gagawin kong wasak at sira; at aking aalisin sa kanya ang lahat ng dumarating at umaalis.
8At aking pupunuin ang iyong mga bundok ng mga napatay. Sa iyong mga burol at sa iyong mga libis at sa lahat mong mga bangin ay mabubuwal sila na napatay ng tabak.
9Ikaw ay gagawin kong palagiang kasiraan, at ang iyong mga lunsod ay hindi tatahanan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
10“Sapagkat iyong sinabi, ‘Ang dalawang bansang ito, at ang dalawang lupaing ito ay magiging akin, at aming aariin;’ bagaman kinaroroonan ng Panginoon.
11Kaya't kung paanong buháy ako, sabi ng Panginoong Diyos, papakitunguhan kita ayon sa galit at sa inggit na iyong ipinakita dahil sa iyong pagkapoot laban sa kanila. At ako'y magpapakilala sa gitna nila kapag aking hahatulan ka.
12Iyong malalaman na akong Panginoon ay nakarinig ng lahat mong panlalait na iyong sinabi laban sa mga bundok ng Israel, na sinasabi, ‘Sinira ang mga iyon, ibinigay sa atin bilang pagkain.’
13At kayo'y nagmalaki laban sa akin sa pamamagitan ng inyong bibig, at inyong pinarami ang inyong mga salita laban sa akin; aking narinig iyon.
14Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Habang ang buong lupa ay nagagalak, aking wawasakin ka.
15Kung paanong ikaw ay nagalak sa mana ng sambahayan ni Israel, sapagkat nawasak iyon, gayon ang gagawin ko sa iyo; ikaw ay mawawasak, O bundok ng Seir, at buong Edom, lahat ng ito. At kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
Kasalukuyang Napili:
EZEKIEL 35: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001