Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EZEKIEL 34:11-15

EZEKIEL 34:11-15 ABTAG01

“Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong DIYOS: Narito, ako mismo ang maghahanap sa aking mga tupa, at aking pagmamalasakitan sila. Kung paanong hinahanap ng pastol ang kanyang kawan kapag ang ilan sa kanyang mga tupa ay nangangalat, gayon ko hahanapin ang aking mga tupa; at ililigtas ko sila sa lahat ng dako na kanilang pinangalatan sa araw na maulap at makapal na kadiliman. Aking ilalabas sila sa mga bayan, titipunin ko sila mula sa mga lupain, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain. Pakakainin ko sila sa mga bundok ng Israel, sa tabi ng mga bukal ng tubig, at sa lahat na tinatahanang dako sa lupain. Aking pakakainin sila sa mabuting pastulan, at ang matataas na bundok ng kataasan ng Israel ang kanilang magiging pastulan. Doo'y mahihiga sila sa mabuting lupaing pastulan, at sa matabang pastulan ay manginginain sila sa mga bundok ng Israel. Ako mismo ang magiging pastol ng aking mga tupa at sila'y dadalhin ko sa kapahingahan, sabi ng Panginoong DIYOS.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya