Iyong sasabihin sa Faraon, ‘Ganito ang sabi ng PANGINOON, ang Israel ang aking panganay na anak, at aking sinasabi sa iyo, “Pahintulutan mong umalis ang aking anak upang siya'y makasamba sa akin.” Kung ayaw mo siyang paalisin, aking papatayin ang iyong anak na panganay.’” Sa daan, sa isang lugar na pinagpalipasan nila ng gabi, sinalubong siya ng PANGINOON at tinangka siyang patayin. Ngunit kumuha si Zifora ng isang batong matalim, pinutol ang balat sa ari ng kanyang anak na lalaki at ipinahid sa mga paa ni Moises. Kanyang sinabi, “Tunay na ikaw ay isang asawa sa dugo sa akin.” Sa gayo'y kanyang binitiwan siya. Nang magkagayo'y kanyang sinabi, “Ikaw ay isang asawa sa dugo sa akin, sa pamamagitan ng pagtutuli.” Sinabi ng PANGINOON kay Aaron, “Pumaroon ka sa ilang upang salubungin si Moises.” Siya'y pumaroon at kanyang nasalubong si Moises sa bundok ng Diyos, at kanyang hinagkan ito. Isinalaysay ni Moises kay Aaron ang lahat ng salita ng PANGINOON na ipinagbilin sa kanya na sabihin, at ang lahat ng mga tandang ipinagbilin sa kanyang gawin. Sina Moises at Aaron ay naparoon at tinipon ang lahat ng matatanda sa mga anak ni Israel. Sinabi ni Aaron ang lahat ng salita na sinabi ng PANGINOON kay Moises at ginawa ang mga tanda sa harap ng taong-bayan. Ang taong-bayan ay naniwala at nang kanilang marinig na dinalaw ng PANGINOON ang mga anak ni Israel at kanyang nakita ang kanilang paghihirap, sila'y yumukod at sumamba.
Basahin EXODO 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: EXODO 4:22-31
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas