Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EXODO 34:29-35

EXODO 34:29-35 ABTAG01

Nang bumaba si Moises sa bundok ng Sinai, na dala ang dalawang tapyas na bato ng patotoo sa kamay niya habang bumababa siya sa bundok, ay hindi nalalaman ni Moises na ang balat ng kanyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipag-usap niya sa Diyos. Nang makita ni Aaron at ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises, ang balat ng kanyang mukha ay nagliliwanag at sila'y natakot na lumapit sa kanya. Ngunit tinawag sila ni Moises; at si Aaron at ang lahat ng matatanda sa Israel ay nagbalik sa kanya at si Moises ay nagsalita sa kanila. Pagkatapos, ang lahat ng mga anak ni Israel ay lumapit at kanyang ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng utos ang lahat ng salita ng PANGINOON na binigkas sa kanya sa bundok ng Sinai. At pagkapagsalita sa kanila ni Moises ay naglagay siya ng isang talukbong sa kanyang mukha. Subalit kapag si Moises ay pumapasok sa harapan ng PANGINOON upang makipag-usap sa kanya ay nag-aalis siya ng talukbong hanggang siya'y makalabas; at nang siya'y lumabas ay kanyang sinabi sa mga anak ni Israel ang iniutos sa kanya. Nakita ng mga anak ni Israel na ang balat ng mukha ni Moises ay nagliliwanag; at muling inilalagay ni Moises ang talukbong sa kanyang mukha, hanggang sa siya'y makapasok upang makipag-usap sa Diyos.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya