Sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Tumabas ka ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una, at aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas na iyong binasag. Maghanda ka sa kinaumagahan, at umakyat ka kinaumagahan sa bundok ng Sinai at humarap ka sa akin doon sa tuktok ng bundok. Walang sinumang aakyat na kasama mo, at huwag hayaang may makitang sinuman sa buong bundok; kahit ang mga kawan at ang mga baka ay huwag manginain sa harapan ng bundok na iyon.” Kaya't si Moises ay tumabas ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una; kinaumagahan, siya ay bumangon nang maaga at umakyat sa bundok ng Sinai, gaya ng iniutos ng PANGINOON sa kanya, at hinawakan ang dalawang tapyas na bato. Ang PANGINOON ay bumaba sa ulap, at tumayong kasama niya roon at ipinahayag ang pangalan ng PANGINOON. Ang PANGINOON ay nagdaan sa harapan niya, at nagpahayag, “Ang PANGINOON, ang PANGINOON, isang Diyos na puspos ng kahabagan at mapagpala, hindi magagalitin, at sagana sa wagas na pag-ibig at katapatan
Basahin EXODO 34
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: EXODO 34:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas