Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EXODO 32:26-35

EXODO 32:26-35 ABTAG01

tumayo si Moises sa pintuan ng kampo, at nagsabi, “Sino ang nasa panig ng PANGINOON? Lumapit kayo sa akin.” At lahat ng mga anak ni Levi ay nagtipon sa kanya. Sinabi niya sa kanila, “Ganito ang sabi ng PANGINOONG Diyos ng Israel, ‘Ilagay ng bawat lalaki ang kanyang tabak sa kanyang tagiliran. Humayo kayong paroo't parito sa mga pintuan sa buong kampo, at patayin ng bawat lalaki ang kanyang kapatid na lalaki, ng bawat lalaki ang kanyang kasama, at ng bawat lalaki ang kanyang kapwa.’” Ginawa ng mga anak ni Levi ang ayon sa salita ni Moises; at nabuwal ang halos tatlong libong katao sa mamamayan nang araw na iyon. Sinabi ni Moises, “Itinalaga ninyo ang inyong sarili ngayon sa paglilingkod sa PANGINOON, bawat isa sa halaga ng kanyang anak na lalaki o kapatid na lalaki, kaya't kayo ay nagdala sa inyo ng pagpapala sa araw na ito.” Kinabukasan, sinabi ni Moises sa bayan, “Kayo'y nagkasala ng malaking kasalanan. Ngayo'y aakyat ako sa PANGINOON; marahil ay aking matutubos ang inyong kasalanan.” Kaya't bumalik si Moises sa PANGINOON, at sinabi, “O, ang bayang ito'y nagkasala ng malaking kasalanan; at gumawa sila para sa kanilang sarili ng mga diyos na ginto. Ngunit ngayon, kung maaari ay patawarin mo ang kanilang kasalanan—at kung hindi, ay burahin mo ako sa aklat na isinulat mo.” Ngunit sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Ang sinumang nagkasala laban sa akin ay siya kong buburahin sa aking aklat. Subalit ngayo'y humayo ka, iyong pangunahan ang bayan patungo sa dakong aking sinabi sa iyo; ang aking anghel ay hahayo sa unahan mo. Gayunman kapag dumating ang araw ng pagpaparusa, aking parurusahan sila sa kanilang mga kasalanan.” At ang PANGINOON ay nagpadala ng isang salot sa bayan, sapagkat kanilang ginawa ang guya—yaong ginawa ni Aaron.