Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EXODO 30:22-29

EXODO 30:22-29 ABTAG01

Bukod dito'y sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Magdala ka rin ng pinakamaiinam na pabango: ng purong mira na limang daang siklo, at ng mabangong kanela na kalahati nito ang dami, dalawang daan at limampu; at ng mabangong kalamo na dalawang daan at limampu, at ng kasia, limang daan, ayon sa siklo ng santuwaryo, at ng langis ng olibo na isang hin; at gagawa ka mula sa mga ito ng banal na langis na pambuhos, isang pabangong tinimpla ayon sa pagtitimpla ng manggagawa ng pabango; siya ngang magiging banal na langis na pambuhos. Iyong bubuhusan niyon ang toldang tipanan, at ang kaban ng patotoo, at ang hapag, ang lahat ng mga kasangkapan niyon, ang ilawan at ang mga kasangkapan niyon, at ang dambana ng insenso, ang dambana ng handog na sinusunog kasama ang lahat ng mga kasangkapan, ang palanggana at ang patungan nito. Pakabanalin mo ang mga iyon upang maging kabanal-banalan; sinumang humawak sa mga iyon ay magiging banal.