Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EXODO 3:10-13

EXODO 3:10-13 ABTAG01

Halika, ikaw ay aking susuguin kay Faraon upang iyong ilabas sa Ehipto ang aking bayan, ang mga anak ni Israel.” Sinabi ni Moises sa Diyos, “Sino ako upang pumaroon kay Faraon at upang ilabas sa Ehipto ang mga anak ni Israel?” Kanyang sinabi, “Ako'y makakasama mo; at ito'y magiging tanda sa iyo na ikaw ay aking sinugo: kapag iyong nailabas na sa Ehipto ang bayan, sasambahin ninyo ang Diyos sa bundok na ito.” Ngunit sinabi ni Moises sa Diyos, “Pagdating ko sa mga anak ni Israel at sasabihin ko sa kanila, ‘Sinugo ako sa inyo ng Diyos ng inyong mga ninuno,’ at sasabihin nila sa akin, ‘Ano ang kanyang pangalan?’ Anong sasabihin ko sa kanila?”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa EXODO 3:10-13