EXODO 22
22
Mga Pagsasauli tungkol sa Naging Kasiraan
1“Kung ang isang tao ay magnakaw ng isang baka, o ng tupa at patayin, o ipagbili, siya'y magbabayad ng limang baka para sa isang baka, at ng apat na tupa para sa isang tupa. Ang magnanakaw ay gagawa ng pagsasauli; kung wala siyang maisauli, siya'y ipagbibili dahil sa kanyang pagnanakaw.
2“Kung ang isang magnanakaw ay mahuling pumapasok at siya'y hinampas na kanyang ikinamatay, hindi magkakaroon ng pananagutan sa dugo ang nakapatay,
3ngunit kung sikatan siya ng araw ay magkakaroon siya ng pananagutan sa dugo.
4“Kung ang ninakaw ay matagpuang buháy sa kanyang kamay, maging baka o asno, o tupa, ay magbabayad siya ng doble.
5“Kung ang sinuman ay magpastol sa isang bukid, o sa isang ubasan, at pakawalan ang kanyang hayop at manginain sa bukid ng iba, siya'y magsasauli mula sa pinakamainam sa kanyang sariling bukid, at mula sa kanyang sariling ubasan.
6“Kung may magningas na apoy at umabot sa mga tinik, na anupa't ang mga mandala, o ang mga uhay, o ang bukid ay masunog, ang nagpaningas ng apoy ay magbabayad ng buo.
7“Kung ang sinuman ay magpatago sa kanyang kapwa ng salapi o pag-aari, at ito'y ninakaw sa bahay ng taong iyon, at pagkatapos, kung matagpuan ang magnanakaw, magbabayad siya ng doble.
8Kung hindi matagpuan ang magnanakaw, lalapit ang may-ari ng bahay sa Diyos, upang ipakita kung pinakialaman niya o hindi ang pag-aari ng kanyang kapwa.
9“Sapagkat sa lahat ng pagsuway, maging para sa baka, sa asno, sa tupa, sa kasuotan, o sa anumang bagay na nawala, na may magsabi na iyon nga ay sa kanya, dadalhin sa harapan ng Diyos ang usapin ng dalawa; ang parurusahan ng Diyos ay magbabayad ng doble sa kanyang kapwa.
10“Kung ang sinuman ay maghabilin sa kanyang kapwa ng isang asno, o ng isang baka, o ng isang tupa, o ng anumang hayop; at namatay ito, o nasaktan, o hinuli, na walang nakakakitang sinuman,
11ang pagsumpa nilang dalawa sa Panginoon ang mamamagitan sa kanila upang makita kung pinakialaman niya o hindi ang pag-aari ng kanyang kapwa; at tatanggapin ng may-ari ang sumpa, at siya'y hindi magsasauli.
12Subalit kung ninakaw ito sa kanya ay isasauli niya iyon sa may-ari.
13Kung nilapa ito ng mga hayop, dadalhin niya ito bilang katibayan; hindi siya magsasauli ng anumang nilapa.
14“Kung ang sinuman ay humiram ng anuman sa kanyang kapwa, at nasaktan ito, o namatay, na hindi kaharap ang may-ari, ang humiram ay magsasauli ng buo.
15Kung ang may-ari niyon ay kaharap, hindi siya magsasauli; kung ito'y inupahan, dumating ito para sa upa nito.
Sari-saring Kautusan
16“At#Deut. 22:28, 29 kung akitin ng isang lalaki ang isang dalaga na hindi pa naipagkakasundong mag-asawa at kanyang sipingan, kanyang ibibigay ang kanyang dote at gagawing kanyang asawa.
17Kung mahigpit na tumutol ang kanyang ama na ibigay siya sa kanya, ay magbabayad siya ng salapi katumbas ng dote para sa mga dalaga.
18“Huwag#Deut. 18:10, 11 mong pahintulutang mabuhay ang isang babaing mangkukulam.
19“Sinumang#Lev. 18:23; 20:15, 16; Deut. 27:21 sumiping sa isang hayop ay papatayin.
20“Ang#Deut. 17:2-7 maghandog sa alinmang diyos, maliban sa Panginoon lamang, ay lubos na pupuksain.
21“At#Exo. 23:9; Lev. 19:33, 34; Deut. 24:17, 18; 27:19 huwag mong aapihin, o pahihirapan ang dayuhan, sapagkat kayo'y mga dayuhan din sa lupain ng Ehipto.
22Huwag ninyong pahihirapan ang sinumang babaing balo, o batang ulila.
23Kung iyong pahihirapan sila sa anumang paraan, at dumaing sa akin, tiyak na aking diringgin ang kanilang daing;
24ang aking poot ay mag-aalab, at papatayin ko kayo ng tabak, at ang inyong mga asawa ay magiging mga balo, at ang inyong mga anak ay magiging mga ulila.
25“Kung#Lev. 25:35-38; Deut. 15:7-11; 23:19, 20 magpautang ka ng salapi sa kaninuman sa aking bayan sa dukhang kasama mo, huwag mo silang papakitunguhan bilang tagapagpautang; huwag mo siyang papatungan ng tubo.
26Kung#Deut. 24:10-13 iyong kunin ang damit ng iyong kapwa bilang sangla, isasauli mo iyon sa kanya bago lumubog ang araw;
27sapagkat iyon lamang ang kanyang saplot, iyon ang kanyang pantakip sa kanyang katawan, ano pa ang kanyang ipapantulog? At kapag siya'y dumaing sa akin ay aking diringgin sapagkat ako'y mahabagin.
28“Huwag#Gw. 23:5 mong lalapastanganin ang Diyos, ni lalaitin man ang pinuno ng iyong bayan.
29“Huwag mong ipagpapaliban ang paghahandog ng mula sa iyong mga ani, at ng mula sa umagos sa iyong mga pisaan.
“Ang panganay sa iyong mga anak na lalaki ay ibibigay mo sa akin.
30Gayundin ang gagawin mo sa iyong mga baka at sa iyong mga tupa: pitong araw itong makakasama ng kanyang ina; sa ikawalong araw ay ibibigay mo ito sa akin.
31“Kayo'y#Lev. 17:15 magiging mga taong itinalaga para sa akin; kaya't huwag kayong kakain ng anumang laman na nilapa ng mababangis na hayop sa parang; inyong itatapon ito sa mga aso.
Kasalukuyang Napili:
EXODO 22: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001