Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EXODO 2:11-19

EXODO 2:11-19 ABTAG01

Nang mga araw na iyon, nang malaki na si Moises, nagtungo siya sa kanyang mga kapatid, at nakita ang kanilang sapilitang paggawa. Kanyang nakita ang isang Ehipcio na binubugbog ang isang Hebreo na isa sa kanyang mga kapatid. Siya'y tumingin sa magkabi-kabilang dako at nang siya'y walang makitang tao, kanyang pinatay ang Ehipcio at kanyang itinago sa buhanginan. Nang siya'y lumabas nang sumunod na araw, may dalawang lalaking Hebreo na naglalaban; at kanyang sinabi sa gumawa ng masama, “Bakit mo sinasaktan ang iyong kasama?” Sinabi niya, “Sinong naglagay sa iyo bilang pinuno at hukom sa amin? Iniisip mo bang patayin ako, gaya nang pagpatay mo sa Ehipcio?” Natakot si Moises at kanyang inisip, “Tiyak na ang bagay na ito ay alam na.” Nang mabalitaan ng Faraon ang bagay na ito, ninais niyang patayin si Moises. Subalit si Moises ay tumakas mula kay Faraon at nanirahan sa lupain ng Midian. Siya'y umupo sa tabi ng isang balon. Ang pari noon sa Midian ay may pitong anak na babae. Sila'y dumating at umigib ng tubig at kanilang pinuno ang mga inuman upang painumin ang kawan ng kanilang ama. Ang mga pastol ay dumating at sila'y ipinagtabuyan; ngunit si Moises ay tumindig at sila'y ipinagtanggol, at pinainom ang kanilang kawan. Nang sila'y dumating kay Reuel na kanilang ama ay sinabi nito, “Bakit napakadali ninyong dumating ngayon?” Kanilang sinabi, “Iniligtas kami ng isang Ehipcio mula sa kamay ng mga pastol at saka iniigib pa niya kami ng tubig at pinainom ang kawan.”