Nang magkagayo'y sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Kayo'y aking pauulanan ng tinapay mula sa langit. Lalabas at mamumulot ang taong-bayan araw-araw ng bahagi sa bawat araw upang aking masubok sila, kung sila'y lalakad ayon sa aking kautusan, o hindi. Sa ikaanim na araw, kapag sila'y maghahanda ng kanilang dala, iyon ay doble ang dami ng kanilang pinupulot sa araw-araw.” At sinabi nina Moises at Aaron sa lahat ng mga anak ni Israel, “Pagsapit ng gabi, inyong malalaman na ang PANGINOON ang siyang naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto, at sa kinaumagahan ay inyong makikita ang kaluwalhatian ng PANGINOON, sapagkat kanyang naririnig ang inyong mga pagrereklamo laban sa PANGINOON. Sapagkat ano kami, na nagrereklamo kayo sa amin?” Sinabi ni Moises, “Kapag binigyan kayo ng PANGINOON sa pagsapit ng gabi ng karneng makakain, at sa kinaumagahan ay ng pagkaing makakabusog, sapagkat naririnig ng PANGINOON ang inyong mga pagrereklamo na inyong sinasabi laban sa kanya, at ano kami? Ang inyong mga pagrereklamo ay hindi laban sa amin, kundi laban sa PANGINOON.”
Basahin EXODO 16
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: EXODO 16:4-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas