Si Miriam na babaing propeta, na kapatid ni Aaron ay humawak ng isang pandereta sa kanyang kamay; at sumunod ang lahat ng mga babae sa kanya, na may mga pandereta at nagsayawan. Sila'y inawitan ni Miriam: “Umawit kayo sa PANGINOON, sapagkat siya'y maluwalhating nagtagumpay; nang inihagis niya sa dagat ang kabayo at ang doo'y nakasakay.” Patuloy na pinangunahan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Pula, at sila'y lumabas sa ilang ng Shur; sila'y lumakad ng tatlong araw sa ilang at hindi nakatagpo ng tubig. Nang sila'y dumating sa Mara, hindi nila mainom ang tubig sa Mara, sapagkat ito ay mapait. Kaya't tinawag itong Mara. Nagreklamo ang bayan kay Moises, na sinasabi, “Anong aming iinumin?” Siya'y dumaing sa PANGINOON at itinuro sa kanya ng PANGINOON ang isang punungkahoy; inihagis niya ito sa tubig, at ang tubig ay tumamis. Doon, gumawa ang PANGINOON para sa kanila ng isang batas at tuntunin. Doon ay sinubok niya sila, na sinasabi, “Kung iyong diringgin ng buong tiyaga ang tinig ng PANGINOON mong Diyos, at iyong gagawin ang matuwid sa kanyang mga mata, at iyong susundin ang kanyang mga utos, at iyong tutuparin ang lahat ng kanyang mga batas, wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay ko sa mga Ehipcio; sapagkat ako ang PANGINOON na nagpapagaling sa iyo.” Sila'y dumating sa Elim, kung saan mayroong labindalawang bukal ng tubig, at pitumpung puno ng palma; at sila'y humimpil doon sa tabi ng tubig.
Basahin EXODO 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: EXODO 15:20-27
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas