Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EXODO 10:21-26

EXODO 10:21-26 ABTAG01

Sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Iunat mo ang iyong kamay paharap sa langit, upang magdilim sa lupain ng Ehipto ng isang kadilimang mararamdaman.” Kaya't iniunat ni Moises ang kanyang kamay paharap sa langit, at nagkaroon ng makapal na kadiliman sa buong lupain ng Ehipto ng tatlong araw. Sila'y hindi magkakitaan, at walang tumindig na sinuman sa kinaroroonan niya sa loob ng tatlong araw; ngunit lahat ng mga anak ni Israel ay may liwanag sa kanilang tirahan. Ipinatawag ng Faraon si Moises at sinabi, “Humayo kayo, maglingkod kayo sa PANGINOON; iwan lamang ninyo ang inyong mga kawan at ang inyong mga baka. Isama na rin ninyo ang inyong mga anak.” Ngunit sinabi ni Moises, “Dapat ding magbigay ka sa aming kamay ng mga alay at mga handog na sinusunog upang aming maihandog sa PANGINOON naming Diyos. Ang aming hayop ay isasama rin namin; wala kahit isang paa na maiiwan, sapagkat kailangang pumili kami ng ilan sa mga iyon para sa pagsamba sa PANGINOON naming Diyos. Hindi namin nalalaman kung ano ang aming gagamitin sa pagsamba sa PANGINOON, hanggang sa kami ay dumating doon.”