Kaya't pinagpapatay ng mga Judio ang lahat ng kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng tabak at pinuksa sila, at ginawa ang maibigan nila sa mga napopoot sa kanila. At sa kabisera ng Susa ay pumatay at pumuksa ang mga Judio ng limang daang lalaki, at pinatay rin sina Forsandata, Dalfon, Asfata, Forata, Ahalia, Aridata, Farmasta, Arisai, Aridai, at Vaizata, na sampung anak ni Haman, na anak ni Amedata, na kaaway ng mga Judio; ngunit hindi nila ginalaw ang mga samsam. Nang araw na iyon ang bilang ng napatay sa kabisera ng Susa ay iniulat sa hari. At sinabi ng hari kay Reyna Esther; “Sa Susa na kabisera, ang mga Judio ay pumatay ng limang daang lalaki at ng sampung anak ni Haman. Ano kaya ang kanilang ginawa sa ibang mga lalawigan ng hari? Ngayon, ano pa ang iyong pakiusap? Ipagkakaloob sa iyo. Ano pa ang iyong kahilingan? Iyon ay gagawin.”
Basahin ESTHER 9
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: ESTHER 9:5-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas