Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ESTHER 1:19-22

ESTHER 1:19-22 ABTAG01

Kung ikalulugod ng hari, maglabas ng utos ang hari, at isulat sa mga kautusan ng mga taga-Persia at mga Medo, upang huwag mabago, na si Vasti ay hindi na makakalapit kay Haring Ahasuerus; at ibigay ng hari ang kanyang pagkareyna sa iba na mas mabuti kaysa kanya. Kaya't kapag ang batas na ginawa ng hari ay naipahayag sa kanyang buong kaharian, sa buong nasasakupan nito, lahat ng babae ay magbibigay sa kanilang mga asawa ng karangalan, maging mataas at mababa.” Ang payong ito ay ikinatuwa ng hari at ng mga pinuno; at ginawa ng hari ang ayon sa iminungkahi ni Memucan. Siya'y nagpadala ng mga sulat sa lahat ng mga lalawigan ng kaharian, sa bawat lalawigan sa sarili nitong paraan ng pagsulat, at sa bawat bayan ayon sa kanilang wika, na ang bawat lalaki ay magiging panginoon sa kanyang sariling bahay at magsalita ayon sa wika ng kanyang bayan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa ESTHER 1:19-22