Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EFESO 3:14-19

EFESO 3:14-19 ABTAG01

Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama, na sa kanya'y ipinangalan ang bawat sambahayan sa langit at sa lupa, upang sa inyo'y ipagkaloob niya ayon sa kayamanan ng kanyang kaluwalhatian, na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kanyang Espiritu sa pagkataong-loob; upang si Cristo ay manirahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya, kung paanong kayo'y nag-uugat at tumitibay sa pag-ibig. Aking idinadalangin na magkaroon kayo ng kapangyarihang matarok, kasama ng lahat ng mga banal, ang luwang, haba, taas, at lalim, at upang makilala ang pag-ibig ni Cristo na higit sa kaalaman upang kayo'y mapuno ng lahat ng kapuspusan ng Diyos.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa EFESO 3:14-19

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya