Kung ang ahas ay kumagat bago mapaamo, wala ngang kapakinabangan sa nagpapaamo. Ang mga salita ng bibig ng matalino ay magbibigay sa kanya ng pakinabang; ngunit ang mga labi ng hangal ang uubos sa sarili niya. Ang pasimula ng mga salita ng kanyang bibig ay kahangalan, at ang wakas ng kanyang salita ay makamandag na kaululan. Sa mga salita, ang hangal ay nagpaparami, bagaman walang taong nakakaalam kung ano ang mangyayari; at pagkamatay niya ay sinong makapagsasabi sa kanya ng mangyayari? Ang gawa ng hangal ay nagpapahirap sa kanya, kaya't hindi niya nalalaman ang daan patungo sa lunsod. Kahabag-habag ka, O lupain, kapag ang iyong hari ay isang bata, at ang iyong mga pinuno ay nagpipista sa umaga! Mapalad ka, O lupain, kung ang iyong hari ay anak ng mga malalayang tao, at ang iyong mga pinuno ay nagpipista sa kaukulang panahon para sa ikalalakas, at hindi sa paglalasing! Sa katamaran ay bumabagsak ang bubungan; at sa di pagkilos ay tumutulo ang bahay. Ang tinapay ay ginagawa sa paghalakhak, at ang alak ay nagpapasaya sa buhay: at ang salapi ay sumasagot sa lahat ng mga bagay. Huwag mong sumpain ang hari kahit sa iyong isipan; at huwag mong sumpain ang mayaman kahit sa iyong silid tulugan; sapagkat isang ibon sa himpapawid ang magdadala ng iyong tinig, at ilang nilalang na may pakpak ang magsasabi ng bagay.
Basahin ECLESIASTES 10
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: ECLESIASTES 10:11-20
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas