Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ECLESIASTES 1

1
Walang Kabuluhan ang Lahat
1Ang mga salita ng Mangangaral,#1:1 Sa Hebreo ay Qoheleth, isang tagapagturo o tagapamahala ng isang kapulungan. na anak ni David, hari sa Jerusalem.
2Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral;
walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan! Lahat ay walang kabuluhan.
3Anong pakinabang mayroon ang tao sa lahat ng kanyang pagpapagal,
na kanyang pinagpapaguran sa ilalim ng araw?
4Isang salinlahi ay umaalis, at dumarating ang isang salinlahi naman,
ngunit ang daigdig ay nananatili magpakailanman.
5Sumisikat ang araw, at lumulubog din ang araw,
at nagmamadali sa dakong kanyang sinisikatan.
6Ang hangin ay humihihip sa timog,
at patungo sa hilaga na nagpapaikut-ikot;
at paikut-ikot na ang hangin ay humahayo,
at ang hangin ay bumabalik sa iniikutan nito.
7Lahat ng mga ilog ay sa dagat nagtutungo,
ngunit ang dagat ay hindi napupuno;
sa dakong inaagusan ng mga ilog,
doon ay muli silang umaagos.
8Lahat ng mga bagay ay nakakapagod,
higit sa masasabi ng tao;
ang mata sa pagtingin ay hindi nasisiyahan,
ni ang tainga sa pakikinig ay walang kabusugan.
9Ang nangyari ay siyang mangyayari,
at ang nagawa na ay siyang gagawin,
at walang bagong bagay sa ilalim ng araw.
10May bagay ba na masasabi tungkol dito,
“Tingnan mo, ito ay bago”?
Ganyan na iyan,
sa nauna pa sa ating mga kapanahunan.
11Ang mga tao noong una ay hindi naaalala,
ni magkakaroon ng alaala pa man tungkol sa mga tao
ng mga taong susunod pagkatapos nila.
Ang Karanasan ng Mangangaral
12Akong Mangangaral ay naging hari sa Israel sa Jerusalem.
13Ginamit ko ang aking isipan upang hanapin at siyasatin sa pamamagitan ng karunungan ang lahat ng ginawa sa silong ng langit. Iyon ay isang malungkot na gawain na ibinigay ng Diyos sa mga anak ng mga tao upang pagkaabalahan.
14Aking nakita ang lahat ng ginawa sa ilalim ng araw; at tingnan mo, lahat ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin.
15Ang baluktot ay hindi matutuwid;
at ang wala ay hindi mabibilang.
16Sinabi#1 Ha. 4:29-31 ko sa aking sarili, “Nagtamo ako ng malaking karunungang higit kaysa lahat ng nauna sa akin sa Jerusalem; at ang isipan ko'y nagtaglay ng malaking karanasan sa karunungan at kaalaman.”
17At ginamit ko ang aking isipan upang alamin ang karunungan, at alamin ang kaululan at kahangalan. Aking nakita na ito man ay pakikipaghabulan sa hangin.
18Sapagkat sa maraming karunungan ay maraming kalungkutan,
at siyang nagpaparami ng kaalaman ay nagpaparami ng kalungkutan.

Kasalukuyang Napili:

ECLESIASTES 1: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in