Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

DEUTERONOMIO 8:1-10

DEUTERONOMIO 8:1-10 ABTAG01

“Inyong maingat na gawin ang lahat ng utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito upang kayo'y mabuhay at dumami, at makapasok at angkinin ang lupain na ipinangako ng PANGINOON sa inyong mga ninuno. At iyong alalahanin ang lahat ng paraan ng pagpatnubay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos nitong apatnapung taon sa ilang, upang kanyang pagpakumbabain ka, at subukin ka, upang malaman kung ano ang nasa iyong puso, kung iyong tutuparin ang kanyang mga utos o hindi. Ikaw ay pinagpakumbaba niya nang ginutom ka niya, at pinakain ka niya ng manna, na hindi mo nakilala, ni hindi nakilala ng iyong mga ninuno, upang kanyang maipaunawa sa iyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng PANGINOON. Ang iyong suot ay hindi naluma, hindi namaga ang iyong paa sa loob ng apatnapung taon. Alamin mo sa iyong puso na kung paanong dinidisiplina ng tao ang kanyang anak, ay dinidisiplina ka rin ng PANGINOON mong Diyos. Kaya't tutuparin mo ang mga utos ng PANGINOON mong Diyos, lumakad ka sa kanyang mga daan, at matakot ka sa kanya. Sapagkat dinadala ka ng PANGINOON mong Diyos sa isang mabuting lupain, ang lupain ng mga batis ng tubig, ng mga bukal at ng mga kalaliman, na bumubukal sa mga libis at mga bundok, lupain ng trigo, sebada, puno ng ubas, mga puno ng igos, mga granada, mga puno ng olibo at ng pulot, lupain kung saan ka kakain ng tinapay at di ka kukulangin, na doon ay hindi kukulangin ng anumang bagay; lupain na ang mga bato ay bakal, at makakahukay ka ng tanso mula sa mga burol nito. Kakain ka, mabubusog, at iyong pupurihin ang PANGINOON mong Diyos dahil sa mabuting lupain na kanyang ibinigay sa iyo.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa DEUTERONOMIO 8:1-10