Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

DEUTERONOMIO 6:4-9

DEUTERONOMIO 6:4-9 ABTAG01

“Pakinggan mo, O Israel: ang PANGINOON nating Diyos ay iisang PANGINOON; at iibigin mo ang PANGINOON mong Diyos ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas. Ang mga salitang ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito ay ilalagay mo sa iyong puso; at iyong ituturo nang buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasabihin sa kanila kapag ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, kapag ikaw ay lumalakad sa daan, at kapag ikaw ay nahihiga, at kapag ikaw ay bumabangon. At iyong itatali ang mga ito bilang tanda sa iyong kamay at bilang panali sa iyong noo. At iyong isusulat ang mga ito sa pintuan ng iyong bahay at sa mga pasukan ng inyong mga bayan.