Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

DEUTERONOMIO 6:20-24

DEUTERONOMIO 6:20-24 ABTAG01

“Kapag tatanungin ka ng iyong anak sa panahong darating, ‘Ano ang kahulugan ng mga patotoo, mga tuntunin, at mga batas, na iniutos sa inyo ng PANGINOON nating Diyos?’ Iyo ngang sasabihin sa iyong anak, ‘Kami ay naging mga alipin ng Faraon sa Ehipto, at inilabas kami ng PANGINOON sa Ehipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay. At ang PANGINOON ay nagpakita ng mga tanda at ng mga kababalaghan, dakila at matindi, laban sa Ehipto, kay Faraon, at sa kanyang buong sambahayan, sa harapan ng aming paningin; at kami ay inilabas niya mula roon upang kami ay maipasok, upang maibigay sa amin ang lupain na kanyang ipinangako sa ating mga ninuno. At iniutos ng PANGINOON sa amin na gawin ang lahat ng mga tuntuning ito, na matakot sa PANGINOON nating Diyos, sa ikabubuti natin magpakailanman, upang ingatan niya tayong buháy, gaya sa araw na ito.