Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

DEUTERONOMIO 23:1-18

DEUTERONOMIO 23:1-18 ABTAG01

“Ang sinumang nadurog ang itlog o naputol ang ari ay hindi maaaring pumasok sa kapulungan ng PANGINOON. “Ang isang anak sa labas ay hindi maaaring pumasok sa kapulungan ng PANGINOON; kahit na hanggang sa ikasampung salinlahi ay walang papasok sa kanyang mga anak sa kapulungan ng PANGINOON. “Ang isang Amonita o Moabita ay hindi maaaring pumasok sa kapulungan ng PANGINOON; hanggang sa ikasampung salinlahi ay wala sa kanilang maaaring pumasok sa kapulungan ng PANGINOON magpakailanman. Sapagkat hindi nila kayo sinalubong sa daan na may tinapay at tubig nang kayo'y dumating mula sa Ehipto; at sapagkat inupahan nila laban sa iyo si Balaam na anak ni Beor mula sa Petor ng Mesopotamia upang sumpain ka. Gayunma'y hindi pinakinggan ng PANGINOON mong Diyos si Balaam; kundi ginawang pagpapala ng PANGINOON mong Diyos ang sumpa sa iyo sapagkat minamahal ka ng PANGINOON mong Diyos. Huwag mong hahanapin ang kanilang kapayapaan o ang kanilang pag-unlad sa lahat ng iyong mga araw magpakailanman. “Huwag mong kasusuklaman ang Edomita sapagkat siya'y iyong kapatid. Huwag mong kasusuklaman ang mga Ehipcio, sapagkat ikaw ay naging dayuhan sa kanyang lupain. Ang mga anak ng ikatlong salinlahi na ipinanganak sa kanila ay makakapasok sa kapulungan ng PANGINOON. “Kapag ikaw ay lalabas sa kampo laban sa iyong mga kaaway, lalayo ka sa bawat masamang bagay. “Kung mayroong sinumang lalaki sa inyo na hindi malinis dahil sa anumang nangyari sa kanya sa kinagabihan, lalabas siya sa kampo; hindi siya papasok sa loob ng kampo. Ngunit sa pagsapit ng gabi, siya'y maliligo sa tubig at kapag lubog na ang araw, ay papasok siya sa kampo. “Magkakaroon ka rin ng isang pook sa labas ng kampo na ikaw ay lalabas doon; at ikaw ay magkakaroon din ng isang kahoy na kabilang sa iyong mga sandata. Kapag ikaw ay dudumi sa labas, gagawa ka ng hukay sa pamamagitan nito at pagkatapos ay tatabunan mo ang iyong dumi. Sapagkat ang PANGINOON mong Diyos ay lumalakad sa gitna ng iyong kampo upang iligtas ka at ibigay ang iyong mga kaaway sa harapan mo, kaya't ang iyong kampo ay magiging banal upang huwag siyang makakita ng anumang kahiyahiyang bagay sa gitna ninyo at lumayo sa iyo. “Huwag mong ibabalik sa kanyang panginoon ang isang aliping tumakas sa kanyang panginoon at pumunta sa iyo. Siya'y maninirahang kasama mo, sa gitna mo, sa dakong kanyang pipiliin sa loob ng isa sa iyong mga bayan na kanyang nais; huwag mo siyang pagmamalupitan. “Huwag magkakaroon ng bayarang babae sa mga anak na babae ng Israel, ni magkakaroon ng bayarang lalaki sa mga anak na lalaki ng Israel. Huwag mong dadalhin ang upa sa isang masamang babae, o ang pasahod sa isang aso sa bahay ng PANGINOON mong Diyos para sa anumang panata, sapagkat ang mga ito ay kapwa karumaldumal sa PANGINOON mong Diyos.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa DEUTERONOMIO 23:1-18

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya