DEUTERONOMIO 18
18
Ang Karapatan ng mga Levita
1“Ang mga paring Levita, na buong lipi ni Levi, ay hindi magkakaroon ng bahagi ni mana na kasama ng Israel. Sila'y kakain ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at ng kanyang mana.
2Sila'y#Bil. 18:20 hindi magkakaroon ng mana na kasama ng kanilang mga kapatid; ang Panginoon ang kanilang mana gaya ng sinabi niya sa kanila.
3At ito ang magiging bahagi ng mga pari sa bayan, mula sa kanila na naghahandog ng alay, maging baka o tupa. Kanilang ibibigay sa pari ang balikat, ang dalawang pisngi, at ang tiyan.
4Ang mga unang bunga ng iyong trigo, alak, langis, at ang unang balahibo ng iyong mga tupa ay ibibigay mo sa kanya.
5Sapagkat pinili siya ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng iyong mga lipi upang tumayong tagapaglingkod sa pangalan ng Panginoon, siya at ang kanyang mga anak magpakailanman.
6“Kung ang isang Levita ay umalis sa alinman sa iyong mga bayan mula sa Israel kung saan siya naninirahan, at pumaroon siya sa dakong pipiliin ng Panginoon, at maaari siyang pumaroon kapag gusto niya,
7ay maglilingkod nga siya sa pangalan ng Panginoon niyang Diyos, na gaya ng ginagawa ng lahat ng kanyang mga kapatid na mga Levita, na tumatayo upang maglingkod sa harapan ng Panginoon.
8Sila'y magkakaroon ng magkakaparehong bahagi na kakainin, bukod sa magmumula sa pinagbilhan sa pamana ng kanyang ama.
Ipinagbabawal ang Pagsasakripisyo ng Anak at mga Salamangka
9“Pagpasok mo sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos ay huwag kang mag-aaral gumawa ng ayon sa mga karumaldumal na gawain ng mga bansang iyon.
10Huwag#Lev. 19:26; Exo. 22:18 makakatagpo sa iyo ng sinumang nagsusunog sa apoy ng kanyang anak na lalaki o babae bilang isang handog, ng manghuhula, o manggagaway o engkantador, o mangkukulam,
11o#Lev. 19:31 gumagamit ng anting-anting, o nagpapagamit sa masasamang espiritu, o salamangkero, o sumasangguni sa mga patay.
12Sapagkat sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon, at dahil sa mga karumaldumal na gawaing ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Diyos sa harapan mo.
13Dapat#Mt. 5:48 kang manatiling walang kapintasan sa Panginoon mong Diyos.
14Sapagkat ang mga bansang ito na iyong aagawan ay nakikinig sa mga manggagaway at mga manghuhula; ngunit tungkol sa iyo, hindi ka pinahintulutan ng Panginoon mong Diyos na gawin mo ang gayon.
Ang Pangako na Magsusugo ng Propeta
15“Palilitawin#Gw. 3:22; 7:37 ng Panginoon mong Diyos para sa iyo ang isang propeta na gaya ko mula sa iyong sariling mga kapatid. Sa kanya kayo makikinig.
16Ito ang inyong hiniling sa Panginoon mong Diyos sa Horeb, sa araw ng pagtitipon nang inyong sabihin, ‘Huwag mong muling iparinig sa akin ang tinig ng Panginoon kong Diyos, ni ipakita pa sa akin itong malaking apoy, upang huwag akong mamatay.’
17At sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Tama ang sinasabi nila.
18Ako'y hihirang para sa kanila ng isang propeta na gaya mo mula sa kanilang mga kapatid at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya at kanyang sasabihin sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kanya.
19At#Gw. 3:23 sinumang hindi makikinig sa aking mga salita na kanyang bibigkasin sa aking pangalan ay pananagutin ko tungkol doon.
Ang Bulaang Propeta
20Ngunit ang propetang magsasalita ng salitang may kapangahasan sa aking pangalan, na hindi ko iniutos na kanyang sabihin o magsasalita sa pangalan ng ibang mga diyos, ang propetang iyon ay mamamatay.’
21At kung iyong sasabihin sa iyong puso, ‘Paano namin malalaman ang salita na hindi sinabi ng Panginoon?’
22Kapag ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi ay hindi naganap ni nagkatotoo, ang salitang iyon ay hindi sinabi ng Panginoon; ang propetang iyon ay nagsalita nang may kapangahasan, huwag mo siyang katatakutan.
Kasalukuyang Napili:
DEUTERONOMIO 18: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001