Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

DEUTERONOMIO 14

14
Mga Bawal na Kaugalian sa Pagluluksa
1“Kayo'y#Lev. 19:28; 21:5 mga anak ng Panginoon ninyong Diyos; huwag ninyong susugatan ang inyong sarili, ni kakalbuhin ang inyong noo dahil sa patay.
2Sapagkat#Exo. 19:5, 6; Deut. 4:20; 7:6; 26:18; Tito 2:14; 1 Ped. 2:9 ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Diyos, at ikaw ay pinili ng Panginoon upang maging bayan na kanyang sariling pag-aari, mula sa lahat ng mga bayan na nasa balat ng lupa.
Malilinis at Maruruming mga Hayop
(Lev. 11:1-47)
3“Huwag kang kakain ng anumang bagay na marurumi.
4Ito ang mga hayop na maaari ninyong kainin: ang baka, ang tupa, at ang kambing,
5ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang lalaking usa, at ang mailap na kambing, at ang kambing sa bundok, at ang kambing sa kapatagan, at ang tupang bundok.
6At bawat hayop na may hati ang paa, biyak at ngumunguya, sa mga hayop, ay maaari ninyong kainin.
7Gayunman, ang mga ito ay hindi dapat kakainin sa mga ngumunguya, o sa biyak ang paa: ang kamelyo, ang liebre, at ang kuneho, sapagkat sila'y ngumunguya, ngunit walang hati ang paa; ang mga ito ay marumi sa inyo.
8At ang baboy, sapagkat may hati ang paa, ngunit hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo; ang laman nila'y huwag ninyong kakainin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin.
9“Lahat ng mga ito na nasa tubig ay maaari ninyong kainin: anumang may mga kaliskis at mga palikpik, ay maaari ninyong kainin.
10Anumang walang kaliskis at palikpik ay huwag ninyong kakainin; marumi ito para sa inyo.
11“Maaari ninyong kainin ang lahat ng ibong malilinis.
12Ngunit ang mga ito'y hindi ninyo dapat kainin: ang agila, ang buwitre, at ang buwitreng itim,
13at ang malaking lawin, at ang falkon, ayon sa kanilang uri;
14at lahat ng uwak ayon sa kanilang uri;
15ang avestruz, panggabing lawin, ang lawing dagat, at ang lawin, ayon sa kanilang uri;
16ang munting kuwago, ang malaking kuwago, ang puting kuwago;
17ang pelikano, ang buwitre, at ang somormuho;
18ang puting tagak, ang tagak na kulay-ube, ayon sa kanilang uri; ang paniki, at ang kabág.
19Lahat ng may pakpak na gumagapang ay marumi sa inyo; huwag ninyong kakainin ang mga ito.
20Maaari ninyong kainin ang lahat ng ibong malilinis.
21“Huwag#Exo. 23:19; 34:26 kayong kakain ng anumang bagay na kusang namatay; maaari mong ibigay sa dayuhang nasa loob ng iyong mga bayan, upang kanyang kainin; o maaari mong ipagbili sa dayuhan; sapagkat ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Diyos.
“Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kanyang ina.”
Ang Kautusan tungkol sa Ikapu
22“Kukunan#Lev. 27:30-33; Bil. 18:21 mo ng ikasampung bahagi ang lahat ng bunga ng iyong binhi na nanggagaling sa iyong bukid taun-taon.
23Iyong kakainin sa harapan ng Panginoon mong Diyos, sa dakong kanyang pipiliin na patatahanan sa kanyang pangalan, ang ikasampung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan upang lagi kang matutong matakot sa Panginoon mong Diyos.
24At kung ang daan ay napakahaba para sa iyo, na anupa't hindi mo madala ang ikapu kapag pinagpala ka ng Diyos, sapagkat napakalayo sa iyo ang dakong pinili ng Panginoon mong Diyos na paglalagyan ng kanyang pangalan,
25ay iyo ngang tutumbasan ng salapi at itatali mo ang salapi sa iyong kamay at pupunta ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Diyos;
26at iyong gugulin ang salapi sa anumang nais mo: baka, tupa, alak, matapang na inumin, o sa anumang iyong nasain. Ikaw ay kakain doon sa harapan ng Panginoon mong Diyos, at ikaw at ang iyong sambahayan ay magalak.
27Ang Levita na nasa loob ng iyong mga bayan ay huwag mong pababayaan, sapagkat siya'y walang bahagi ni pamana na kasama mo.
28“Sa katapusan ng bawat tatlong taon ay iyong kukunin ang buong ikasampung bahagi ng iyong bunga ng taong iyon, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga bayan.
29At ang Levita, sapagkat siya'y walang bahagi ni pamana na kasama mo, at ang dayuhan, ang ulila, ang babaing balo na nasa loob ng iyong mga bayan ay pupunta roon at kakain at mabubusog, upang pagpalain ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng gawain na iyong ginagawa.

Kasalukuyang Napili:

DEUTERONOMIO 14: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in