Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

DANIEL 6:25-28

DANIEL 6:25-28 ABTAG01

Nang magkagayo'y sumulat ang haring si Dario sa lahat ng mga bayan, bansa, at wika na naninirahan sa buong lupa: “Kapayapaa'y sumagana sa inyo. Ako'y nag-uutos na sa lahat ng sakop ng aking kaharian, ang mga tao ay dapat manginig at matakot sa Diyos ni Daniel: Sapagkat siya ang buháy na Diyos, at nananatili magpakailanman. Ang kanyang kaharian ay hindi mawawasak, at ang kanyang kapangyarihan ay walang katapusan. Siya'y nagliligtas at nagpapalaya, siya'y gumagawa ng mga tanda at mga kababalaghan sa langit at sa lupa, sapagkat iniligtas niya si Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon.” Kaya't ang Daniel na ito ay umunlad sa panahon ng paghahari ni Dario, at sa paghahari ni Ciro na taga-Persia.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya