Nang magkagayo'y sumulat ang haring si Dario sa lahat ng mga bayan, bansa, at wika na naninirahan sa buong lupa: “Kapayapaa'y sumagana sa inyo. Ako'y nag-uutos na sa lahat ng sakop ng aking kaharian, ang mga tao ay dapat manginig at matakot sa Diyos ni Daniel: Sapagkat siya ang buháy na Diyos, at nananatili magpakailanman. Ang kanyang kaharian ay hindi mawawasak, at ang kanyang kapangyarihan ay walang katapusan. Siya'y nagliligtas at nagpapalaya, siya'y gumagawa ng mga tanda at mga kababalaghan sa langit at sa lupa, sapagkat iniligtas niya si Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon.”
Basahin DANIEL 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: DANIEL 6:25-27
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas