COLOSAS 4
4
1Mga#Ef. 6:9 panginoon, pakitunguhan ninyo ang inyong mga alipin nang matuwid at makatarungan, yamang nalalaman ninyo na kayo man ay mayroon ding Panginoon sa langit.
Iba Pang Tagubilin
2Magpatuloy kayo sa pananalangin, at kayo'y magbantay na may pagpapasalamat.
3At idalangin din ninyo kami, na buksan ng Diyos para sa amin ang pinto para sa salita, upang aming maipahayag ang hiwaga ni Cristo, na dahil din dito ako'y nakagapos,
4upang ito'y aking maipahayag, gaya ng aking nararapat na sabihin.
5Lumakad#Ef. 5:16 kayo na may karunungan sa harap ng mga nasa labas, na inyong samantalahin ang pagkakataon.
6Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na may timplang asin, upang inyong malaman kung paano ninyo dapat sagutin ang bawat isa.
Mga Pagbati at Basbas
7Ang#Gw. 20:4; 2 Tim. 4:12#Ef. 6:21, 22 lahat na mga bagay tungkol sa akin ay ipababatid sa inyo ni Tiquico, na minamahal na kapatid at tapat na ministro, at kapwa alipin sa Panginoon.
8Siya ang aking sinugo sa inyo ukol sa bagay na ito, upang malaman ninyo ang aming kalagayan, at upang kanyang pasiglahin ang inyong mga puso;
9kasama#Filem. 10-12 niya si Onesimo, tapat at minamahal na kapatid, na siya'y isa sa inyo. Sila ang magbabalita sa inyo tungkol sa lahat ng mga bagay na nangyayari dito.
10Binabati#Gw. 19:29; 27:2; Filem. 24; Gw. 12:12, 25; 13:13; 15:37-39 kayo ni Aristarco na kasama kong bilanggo, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe—tungkol sa kanya'y tumanggap kayo ng mga utos—kung magpupunta siya sa inyo, siya ay inyong tanggapin,
11at si Jesus na tinatawag na Justo. Ang mga ito lamang sa aking mga kamanggagawa sa kaharian ng Diyos ang kabilang sa pagtutuli at sila'y naging kaaliwan ko.
12Binabati#Co. 1:7; Filem. 23 kayo ni Epafras, na isa sa inyo, na alipin ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap para sa inyo sa kanyang pananalangin, upang kayo'y tumayong sakdal at lubos na nakakatiyak sa lahat ng kalooban ng Diyos.
13Sapagkat nagpapatotoo ako para sa kanya na siya'y labis na nagpagal para sa inyo, at sa mga nasa Laodicea, at sa mga nasa Hierapolis.
14Binabati#2 Tim. 4:11; Filem. 24; 2 Tim. 4:10; Filem. 24 kayo ni Lucas, ang minamahal na manggagamot, at ni Demas.
15Batiin ninyo ang mga kapatid na nasa Laodicea, at si Nimfa, at ang iglesyang nasa kanyang bahay.
16At kapag nabasa na ang sulat na ito sa inyo, ay ipabasa rin ninyo sa iglesya ng mga taga-Laodicea; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea.
17At#Filem. 2 sabihin ninyo kay Arquipo, “Sikapin mong gampanan ang ministeryo na tinanggap mo sa Panginoon.”
18Akong si Pablo ay sumusulat ng pagbating ito ng sarili kong kamay. Alalahanin ninyo ang aking mga tanikala. Sumainyo nawa ang biyaya.#4:18 Sa ibang mga kasulatan ay mayroong Amen.
Kasalukuyang Napili:
COLOSAS 4: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001