Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA GAWA 8:35-39

MGA GAWA 8:35-39 ABTAG01

Nagpasimulang magsalita si Felipe, at simula sa kasulatang ito ay ipinangaral niya sa kanya ang magandang balita ni Jesus. Sa kanilang pagpapatuloy sa daan, nakarating sila sa may tubig, at sinabi ng eunuko, “Tingnan mo, narito ang tubig! Ano ang nakakahadlang upang akoy mabautismuhan?” [At sinabi ni Felipe: Kung nananampalataya ka ng buong puso ay mangyayari. Sumagot siya at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Diyos.] Iniutos niyang itigil ang karwahe at lumusong si Felipe at ang eunuko sa tubig. At binautismuhan siya ni Felipe. Nang umahon sila sa tubig, inagaw ng Espiritu ng Panginoon si Felipe; at hindi na siya nakita ng eunuko at nagagalak na nagpatuloy siya sa kanyang lakad.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA GAWA 8:35-39