Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA GAWA 8:32-35

MGA GAWA 8:32-35 ABTAG01

Ang bahagi ng kasulatan na binabasa niya ay ito: “Tulad ng tupa na dinala sa katayan; at sa isang kordero na hindi umiimik sa harap ng kanyang manggugupit, gayundin hindi niya ibinubuka ang kanyang bibig. Sa kanyang pagpapakababa ay ipinagkait sa kanya ang katarungan. Sino ang makapaglalarawan sa kanyang lahi? Sapagkat inalis sa lupa ang kanyang buhay.” Sinabi ng eunuko kay Felipe, “Ipinapakiusap ko, tungkol kanino sinasabi ito ng propeta, sa kanya bang sarili, o sa iba?” Nagpasimulang magsalita si Felipe, at simula sa kasulatang ito ay ipinangaral niya sa kanya ang magandang balita ni Jesus.