Pagkatapos ay sinabi ng isang anghel ng Panginoon kay Felipe, “Tumindig ka at pumunta patungong timog, sa daang pababa mula sa Jerusalem patungong Gaza.” Ito'y isang ilang na daan. At tumindig nga siya at umalis. May isang lalaking taga-Etiopia, isang eunuko at tagapamahala ni Candace na reyna ng mga taga-Etiopia. Siya ang namamahala ng buong kayamanan ng reyna. Ang eunuko ay nagpunta sa Jerusalem upang sumamba. Siya'y pabalik na at nakaupo sa kanyang karwahe, binabasa niya ang propeta Isaias. Sinabi ng Espiritu kay Felipe, “Lumapit ka at makisakay sa karwaheng ito.” Kaya't tumakbo si Felipe doon, at kanyang narinig na binabasa niya si Isaias na propeta, at sinabi niya, “Nauunawaan mo ba ang binabasa mo?” Sumagot naman ito, “Paano nga ba, malibang may tumulong sa akin?” At kanyang inanyayahan si Felipe na umakyat at maupong kasama niya. Ang bahagi ng kasulatan na binabasa niya ay ito: “Tulad ng tupa na dinala sa katayan; at sa isang kordero na hindi umiimik sa harap ng kanyang manggugupit, gayundin hindi niya ibinubuka ang kanyang bibig. Sa kanyang pagpapakababa ay ipinagkait sa kanya ang katarungan. Sino ang makapaglalarawan sa kanyang lahi? Sapagkat inalis sa lupa ang kanyang buhay.” Sinabi ng eunuko kay Felipe, “Ipinapakiusap ko, tungkol kanino sinasabi ito ng propeta, sa kanya bang sarili, o sa iba?”
Basahin MGA GAWA 8
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA GAWA 8:26-34
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas