“Mga kapatid, kailangang matupad ang kasulatan, na ipinahayag noong una ng Espiritu Santo sa pamamagitan ni David tungkol kay Judas, na siyang nanguna sa mga humuli kay Jesus. Sapagkat siya'y ibinilang sa atin at siya'y tumanggap ng kanyang bahagi sa paglilingkod na ito.” (Bumili nga ang taong ito ng isang bukid mula sa kabayaran ng kanyang kasamaan; at nang bumagsak ng patiwarik ay pumutok ang kanyang tiyan, at sumambulat ang lahat ng kanyang mga lamang loob. At ito'y nahayag sa lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem; kaya't tinawag ang bukid na iyon sa kanilang wika na Akeldama, na ang kahulugan ay, ‘Ang Bukid ng Dugo’.) “Sapagkat nasusulat sa aklat ng Mga Awit, ‘Hayaang mawalan ng tao ang kanyang tahanan, at huwag bayaang tumira doon ang sinuman;’ at, ‘Hayaang kunin ng iba ang kanyang katungkulan.’
Basahin MGA GAWA 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA GAWA 1:16-20
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas