Ngunit unawain mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahon ng kapighatian.
Sapagkat ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapanlait, suwail sa mga magulang, mga walang utang na loob, walang kabanalan,
walang katutubong pag-ibig, mga walang habag, mga mapanirang-puri, mga walang pagpipigil sa sarili, mababangis, mga hindi maibigin sa mabuti,
mga taksil, matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan sa halip na mga maibigin sa Diyos;
na may anyo ng kabanalan, ngunit tinatanggihan ang kapangyarihan nito. Lumayo ka rin naman sa mga ito.
Sapagkat mula sa mga ito ang mga pumapasok sa sambahayan, at binibihag ang mga hangal na babae na punô ng mga kasalanan, at hinihila ng mga iba't ibang pagnanasa,
na laging nag-aaral at kailanman ay hindi nakakarating sa pagkakilala ng katotohanan.
Kung paanong sina Janes at Jambres ay sumalungat kay Moises, ang mga ito'y sumasalungat din sa katotohanan, mga taong masasama ang pag-iisip at mga nagtakuwil sa pananampalataya.
Ngunit sila'y hindi magpapatuloy, sapagkat mahahayag sa lahat ng mga tao ang kanilang kahangalan, gaya ng nangyari sa mga lalaking iyon.