Alalahanin mo si Jesu-Cristo na muling binuhay mula sa mga patay, mula sa binhi ni David, ayon sa aking ebanghelyo, na dahil sa kanya ay nagtitiis ako ng kahirapan, maging hanggang sa pagkakaroon ng tanikala na tulad sa isang masamang tao. Ngunit ang salita ng Diyos ay hindi nagagapos. Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay dahil sa mga hinirang, upang kamtan din nila ang kaligtasan kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan. Tapat ang salita: Kung tayo'y namatay na kasama niya, mabubuhay rin tayong kasama niya; kung tayo'y magtitiis, maghahari naman tayong kasama niya; kung ating ikakaila siya, ay ikakaila rin niya tayo; kung tayo'y hindi tapat, siya'y nananatiling tapat; sapagkat hindi niya maipagkakaila ang kanyang sarili.
Basahin 2 TIMOTEO 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 TIMOTEO 2:8-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas