Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Timoteo 2:8-13

2 Timoteo 2:8-13 ASND

Alalahanin mo ang Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo, na nabuhay mula sa mga patay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang ipinapangaral ko na siyang dahilan ng paghihirap ko hanggang sa ikadena ako na parang isang kriminal. Pero hindi nakakadenahan ang salita ng Dios. Dahil dito, tinitiis ko ang lahat ng paghihirap alang-alang sa mga pinili ng Dios, para makamtan din nila ang kaligtasang nakay Cristo Jesus at ang buhay na walang hanggan. Totoo ang kasabihang, “Kung namatay tayong kasama niya, mabubuhay din tayong kasama niya. Kung magtitiis tayo, maghahari rin tayong kasama niya. Kung itatakwil natin siya, itatakwil din niya tayo. Kung hindi man tayo tapat, mananatili siyang tapat, dahil hindi niya maikakaila ang kanyang sarili.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 2 Timoteo 2:8-13