Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II SAMUEL 7:1-5

II SAMUEL 7:1-5 ABTAG01

At nangyari nang ang hari ay nakatira na sa kanyang bahay, at binigyan siya ng PANGINOON ng kapahingahan sa lahat niyang mga kaaway sa palibot. Sinabi ng hari kay Natan na propeta, “Tingnan mo ngayon, ako'y tumitira sa isang bahay na sedro, ngunit ang kaban ng Diyos ay nakatira sa loob ng mga tabing.” At sinabi ni Natan sa hari, “Humayo ka, gawin mo ang lahat ng nasa iyong isipan; sapagkat ang PANGINOON ay kasama mo.” Subalit nang gabi ring iyon, ang salita ng PANGINOON ay dumating kay Natan, na sinasabi, “Humayo ka at sabihin mo sa aking lingkod na si David, ‘Ganito ang sabi ng PANGINOON: Ikaw ba ang magtatayo ng aking bahay na matitirahan?

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa II SAMUEL 7:1-5

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya