Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II MGA HARI 20:16-19

II MGA HARI 20:16-19 ABTAG01

At sinabi ni Isaias kay Hezekias, “Pakinggan mo ang salita ng PANGINOON: Ang mga araw ay dumarating na ang lahat ng nasa iyong bahay at ang inimbak ng iyong mga ninuno hanggang sa araw na ito ay tatangayin na patungo sa Babilonia; walang maiiwan, sabi ng PANGINOON. At ilan sa iyong mga anak na lalaki na mula sa iyo na ipapanganak ay kukunin; at sila'y magiging mga eunuko sa bahay ng hari ng Babilonia.” Nang magkagayo'y sinabi ni Hezekias kay Isaias, “Mabuti ang salita ng PANGINOON na iyong sinabi.” Sapagkat kanyang inakala, “Bakit hindi, kung magkakaroon naman ng kapayapaan at kapanatagan sa aking mga araw?”